Prof na mukhang ewan...
Friday, August 19, 2005

Mukhang ewan kanina yung lecturer sa project lab ko (Java and Internet Programming). Kung anu-ano ang pinagsasasabi. Joke ng joke, di ko naman siya maintindihan. Define ng define ng mga acronyms tulad ng HTTP, FTP, POP, etc. mali-mali naman ang definitions nya. Ang hina pa magsalita, paano ba naman, ang layo ng mike sa bibig nya kaya halos walang lumalabas na boses nya sa mga speakers sa loob ng lecture theater. Biruin mo, 3 hrs ang lecture nya eh halos kalahati nun napunta lang sa mga walng kwenta nyang "anecdotes" at personal "kwentos". Kaya ayun, wala akong naintindihan sa kanya. Babasahin ko na lang ang lecture notes sa weekend kung may time pa ko.

Eh pano na next week? Mukhang mahirap pa naman ang laboratory na to. Tapos formal report ko pa ... nyahaa... paano ako makakasulat ng report kung hindi ko maintindihan. Pero sabi naman ng lab partner ko, tutulungan nya daw ako. Ang bait nya! Nakakahiya tuloy kasi halos wala akong naitulong sa kanya sa last project lab namin (Microprocessors) kundi ang magkabit-kabit ng mga wires nung ISA adpater na kailangan namin. Pero ok lang, sa panahon ngayon di na kailangan ang hiya hiya!!! (--,)

BUkas union day. WAlang pasok from 11.30am-3.30pm. Yey! That means I dont have to go to 2 of my classes (1 lecture, 1 tutorial). Yey ulit! Tapos may libre pang lunch c/o McDonalds bukas. Sana di ako maubusan! hehehe... Tapos may libreng beer from 8pm-10.30 pm! Todo na to! Siyet... sana masaya bukas! Pwede daw magyaya ng isang friend (which I suppose isn;t an NTU student) at pati siya bibigyan ng libreng beer! Wow grabe! Ano kaya ang nainum ng main comm ng Students Union at naisipan nilang magbigay ng libreng beer? May banda rin daw bukas. Kaso mas trip ko sana kung Parokya or MYMP ang tutugtog... mangarap daw ba???


iFLEW @
12:24 AM | 0 comments <

0 Comments:

Post a Comment



mike
20
singapore
big time slacker
the eagle cries

+++++

Crazy For You
Michael

+++

tagg

links

past

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com